
Mga karaniwang katanungan tungkol sa coronavirus: detalye na kailangan malaman ng mga beterano | veterans affairs
Play all audios:

Kung nakakaranas ka ng paghihirap sa pananalapi dahil sa direkta o hindi direkta na may kaugnayan sa COVID-19, tawagan kaagad ang iyong tagapaglingkod sa pautang upang humiling ng plano sa
pagpapahintulot sa mortgage o isang plano sa pagbabayad ng utang sa pabahay sa panahon ng COVID. Ang iyong tagapaglingkod sa pautang ay ang kumpanya na nangongolekta ng bayad sa pautang sa
pabahay o utang sa bahay sa VA pautangsa bahay. Ang pagpapasensya sa mortgage ay programa ng VA na pinahihintulutang bawasan ang halaga ng buwanang pagbayad sa utang sa pabahay o
pansamantalang ihinto ang pagbayad sa limitadong panahon. Pinagpapaliban din ang “Late fee” at iba pang parusa sa hindi pagbayad sa tamang oras o panahon. Sa ilalim ng kamakailang batas,
maaari kang humiling o umapela ng hanggang sa 12 buwan na panahon sa para a VA direkta o VA pautang utang sa bahay. PAALALA: Ang “Mortgage Forbearance” ay hindi ibig sabihin na mababawasan
ang iyong utang sa pabahay o patatawarin ang buong utang sa pabahay. Kinakailangan na makipagtulungan sa inyong tagapaglingkod sa pautang sa mga huling buwan ng “Mortgage Forbearance” upang
makapagplano ng panibago sa pautang sa bahay. KUNG MAYROON KANG PAUTANG SA BAHAY NA SINUSUPORTAHAN NG VA Tumawag sa 877-827-3702 (TTY: 711) upang makipag-usap sa isang kinatawan ng pautang
sa bahay ng VA upang humiling ng isang “Mortgage Forbearance plan” o iba pang tulong. Narito kami mula Lunes hanggang Biyernes, 8:00 a.m. hanggang 6:00 p.m. ET. KUNG MAYROON KANG ISANG
NATIVE AMERICAN DIRECT LOAN (NADL) Ang iyong tagapaglingkod sa pautang ay ang BSI Financial Services. Upang humiling ng isang plano sa pagtitiis o “Mortgage Forbearance Plan,”
makipag-ugnayan sa koponan ng BSI na nagpapaubaya ng resolusyon sa pumalyang pautang sa 800-327-7861 (TTY: 711) o [email protected]. Maaari ka ring tumawag sa 877-827-3702
upang makipag-usap sa isang kinatawan ng VA home loan tungkol sa iba pang mga paraan na maaari ka naming matulungan. Makuha ng impormasyon upang matulungan kayong maiwasan ang foreclosure ay
makikita sa website (sa English) MAKAKAKUHA NG KARAGDAGANG TULONG MULA SA CONSUMER FINANCIAL PROTECTION BUREAU (CFPB):