Ang pact act at ang iyong mga va benefits | veterans affairs

Ang pact act at ang iyong mga va benefits | veterans affairs

Play all audios:


Ang PACT Act ay isang bagong batas na nagpapalawak sa VA health care at sa mga benepisyo para sa mga Beteranong nahantad sa mga burn pit, Agent Orange, at iba pang nakakalasong sustansya.


Nakakatulong sa amin ang batas na ito na bigyan ang hene-henerasyon ng mga Beterano—at ang kanilang mga naulila—ng pangangalaga at mga benepisyong pinaghirapan nila at nararapat sa kanila.


At simula MARSO 5, 2024, palalawakin namin ang VA health care para sa milyun-milyong Beterano—nang mas maaga kaysa sa itinakda ng PACT Act. Ang page na ito ay tutulong sa pagsagot sa iyong


mga tanong tungkol sa kung ano ang kahulugan ng PACT Act para sa iyo at sa mga mahal mo sa buhay. Maaari mo rin kaming tawagan sa 800-698-2411 (TTY: 711). At maaari ka na ngayong mag-file ng


claim para sa disability compensation na nauugnay sa PACT Act o mag-apply na para sa VA health care. ANO ANG PACT ACT AT PAANO NITO MAAAPEKTUHAN ANG AKING MGA BENEPISYO AT PANGANGALAGA SA


VA? Ang PACT Act ay marahil ang pinakamalaking pagpapalawak sa health care at benepisyo sa kasaysayan ng VA. Ang buong pangalan ng batas ay The Sergeant First Class (SFC) Heath Robinson


Honoring our Promise to Address Comprehensive Toxics (PACT) Act (Pagtupad sa Pangakong Tugunan ang mga Malawakang Pagkalason na Ipinangalan kay SFC Heath Robinson). IHAHATID NG PACT ANG MGA


PAGBABAGONG ITO: * Pinalalawak at pinalalawig ang eligibility para sa VA health care ng mga Beteranong nahantad sa nakakalasong bagay at mga Beterano noong mga panahon ng Vietnam, Gulf War,


at post-9/11 * Nagdadagdag ng 20+ pang bagong presumptive condition para sa mga pagkahantad sa mga burn pit, Agent Orange, at iba pang nakakalasong bagay * Nagdadagdag ng mas marami pang


locations ng presumptive-exposure sa Agent Orange at radiation * Inaatasan ang VA na magbigay ng screening para sa pagkahantad sa nakakalasong bagay sa bawat Beteranong naka-enrol sa VA


health care * Tumutulong sa aming mapabuti ang pananaliksik, edukasyon ng mga kawani, at paggamot na nauugnay sa mga pagkahantad sa nakakalasong bagay Kung ikaw ay isang Beterano o naulila,


maaari ka na ngayong mag-file ng mga claim para sa mga benepisyong nauugnay sa PACT Act. Mag file ng disability claim online (sa Ingles) Mag apply para sa VA health care (sa Ingles) ANO ANG


IBIG SABIHIN NG PAGKAKAROON NG PRESUMPTIVE CONDITION DAHIL SA TOXIC EXPOSURE (PAGKAHANTAD SA NAKAKALASONG BAGAY)? Upang makakuha VA disability rating, ang iyong kapansanan ay kailangang


maikonekta sa iyong serbisyo sa militar. Para sa maraming kondisyong pangkalusugan, kailangan mong patunayan na ang iyong serbisyo ang nagdulot ng iyong kondisyon. Ngunit para sa ilang


kondisyon, awtomatiko naming aakalain (o “ipagpapalagay”) na ang iyong serbisyo ang nagdulot ng iyong kondisyon. Tinatawag natin itong “mga presumptive condition.” Itinuturing naming


ipinagpapalagay ang kondisyon kapag itinakda ito ng batas o regulasyon. Kung mayroon kang presumptive condition, hindi mo kailangang patunayan na ang iyong serbisyo ang nagdulot ng


kondisyon. Kailangan mo lang matugunan ang mga iniaatas sa serbisyo para maipagpalagay. ELIGIBLE BA AKO PARA SA VA HEALTH CARE SA ILALIM NG PACT ACT? Eligible ka nang mag-enrol ngayon—nang


hindi kinakailangang mag-apply muna para sa mga benepisyo ng disability—kung natutugunan mo ang mga pangunahing kinakailangan sa serbisyo at pag-discharge at totoo para sa iyo ang alinman sa


mga deskripsyon na ito: * Naglingkod ka sa Vietnam War, Gulf War, Iraq, Afghanistan, o sa anumang iba pang combat zone pagkatapos ng 9/11, O * Ikaw ay na-deploy bilang suporta sa Global War


on Terror, O * Ikaw ay nahantad sa mga lason o iba pang mga panganib sa panahon ng serbisyong militar sa loob o labas ng bansa Kasama sa mga tiyak na lason at panganib ang mga burn pit,


buhangin at alikabok, particulate, sunog sa oil well o sulfur, kemikal, radiation, mga warfare agent, depleted uranium, herbicides, at iba pang mga panganib sa trabaho. Hanapin ang higit


pang mga kategorya ng pagkakahantad sa militar sa aming website ng Public Health (sa Ingles) TANDAAN: Kahit na wala sa mga deskripsyong ito ang totoo para sa iyo, maaari ka pa ring maging


eligible para sa VA health care batay sa iyong serbisyo. Suriin ang lahat ng kinakailangan sa eligibility sa pangangalaga sa kalusugan (sa Ingles)